Milo Checkmate registration sa Enero 6

Magsisimula ang rehistrasyon para sa kauna-unahang serye ng 2001 Milo Checkmate Saturday-clinic sa Enero 6 sa dalawang lugar ang Badminton Bldg., Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) Vito Cruz, Manila at sa 2/F PCI Bank Arcade, Greenhills Shopping Center (GSC).

Ang naturang serye ay binubuo ng pitong sunod na Sabadong lectures at dala-wang tournament sessions simula sa Enero 20 hanggang Marso 4.

Ang clinic na ito ay bukas para sa lahat ng batang chessers na may edad 5-18 na layuning madevelop ang kani-kanilang mga talento sa chess patungo sa masters’ strength level.

Ang mga magpapatala ay i-evaluate upang madetermina ang kani-kanilang level. Kabilang sa mga kursong pag-aaralan ay ang preparatory, beginner, intermediate at advance.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa MCC secretariat sa 8268560.

Show comments