Naungusan ni Litang, isang sophomore computer science student na mula sa Davao si Chiemel Mantua ng Letran, 7-6 (6), 7-5 upang mapanalunan ang junior mens 21-under class, habang sinilat naman ni Cuarto si Gino Bautista, 6-1, 6-1 at ibulsa ang korona ng 16-under class.
Nakisosyo sa karangalan nina Litang at Cuarto, kapwa resident players ng Greenview Executive Village Tennis Club sa Fairview sina Gerard Bergavera ng NOTA sa Bacolod, Kyle Dandan ng La Consolacion-Parañaque; Oswaldo Dumoran ng Cebu, Bien Zoleta ng Lucena; Edilyn Balanga ng Dagupan at Karina Pamintuan ng Manila.
Pinayukod ni Bergavera si Bambi Zoleta sa unisex 10-under division; pinigil naman ni Dandan ang giant-killer na si Jojo Liao ng Polangi, Albay, 6-2, 6-2 sa boys 12-under plum, tinanggalan ng titulo ni Dumo-ran si Nestor Celestino Jr., 5-7, 6-3, 6-2 sa boys 14-under division.