Iginupo ni Gonzales, nangangailangan na lamang ng isa pang resulta upang maging International Masters ang kalabang si Jerome Balico para sa kanyang 9 1/2 puntos bago talunin sa pamamagitan ng tiebreak ang katabla sa liderato na si IM Petronio Roca sa final round at ibulsa ang nasabing titulo.
Naitala ni Gonzales ang higher Buccholz tiebreak sa pag-iskor ng 101.5 puntos kontra kay Roca na may itinalang 98.5 upang iuwi ang champion’s trophy, bagamat pinaghatian ng dala-wa ang pinagsamang premyo na P20,000 para sa unang dalawang pu-westo.
Dismayado si Roca sa isang araw at 13-round Swiss System event na ito nang mabigo siya na makakuha kahit man lang draw upang maiselyo ang titulo kung saan natalo ito sa top seed at 2000 World Championship veteran GM na si Buenaventura Villamayor sa 50 moves ng Queen’s Gambit Declined.
Bunga ng resulta ng kanilang laro, nakatabla lamang si Villamayor na nagkaroon ng hindi magandang panimula matapos na matalo kay Gonzales sa second round mula sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto kina NM Yves Ranola at IM Nelson Mariano II na may nalikom na 9 puntos at karagdag-ang tig-P4,000 bawat isa.