^

PSN Palaro

NM Gonzales, bagong blitz king

-
Kinoronahan mismo ni National Master Jason Gonzales ang kanyang sarili bilang pinakabagong blitz king ng bansa matapos na manguna sa idinaos na 2000 Philippine Blitz Chess Championship sa GM cafe sa Quezon City noong isang gabi.

Iginupo ni Gonzales, nangangailangan na lamang ng isa pang resulta upang maging International Masters ang kalabang si Jerome Balico para sa kanyang 9 1/2 puntos bago talunin sa pamamagitan ng tiebreak ang katabla sa liderato na si IM Petronio Roca sa final round at ibulsa ang nasabing titulo.

Naitala ni Gonzales ang higher Buccholz tiebreak sa pag-iskor ng 101.5 puntos kontra kay Roca na may itinalang 98.5 upang iuwi ang champion’s trophy, bagamat pinaghatian ng dala-wa ang pinagsamang premyo na P20,000 para sa unang dalawang pu-westo.

Dismayado si Roca sa isang araw at 13-round Swiss System event na ito nang mabigo siya na makakuha kahit man lang draw upang maiselyo ang titulo kung saan natalo ito sa top seed at 2000 World Championship veteran GM na si Buenaventura Villamayor sa 50 moves ng Queen’s Gambit Declined.

Bunga ng resulta ng kanilang laro, nakatabla lamang si Villamayor na nagkaroon ng hindi magandang panimula matapos na matalo kay Gonzales sa second round mula sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto kina NM Yves Ranola at IM Nelson Mariano II na may nalikom na 9 puntos at karagdag-ang tig-P4,000 bawat isa.

BUENAVENTURA VILLAMAYOR

GAMBIT DECLINED

GONZALES

INTERNATIONAL MASTERS

JEROME BALICO

NATIONAL MASTER JASON GONZALES

NELSON MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with