Ang apat na taong kontrata na nilagdaan ng 19-gulang na si Legaspi, tinaguriang "Legaspi Tower" ay nagkakahalaga ng P2 million na magtatapos sa taong 2004. At siya ang kasalukuyang nangunguna sa karera ng Most Valuable Player para sa kumperensiya ng 2nd PBL Challenge Cup.
Tumanggi namang ihayag ni DSS Productmakers president at PBL chairman Dioceldo Sy ang ibang detalye sa kontrata ni Legaspi kung saan siya ay tatanggap ng maximum salary cap sa ikatlo at ikaapat na taon nito.
"He deserves the contract. Even as a rookie, pinakita na niya yung tapang, hardwork and dedication to the team. We were not surprised that hes now the MVP leader, much more if he becomes a rookie-MVP," pahayag ni Sy.
Humakot ang Blu Sun Power rookie center, na produkto ng Manuel Luis Quezon University (MLQU), ng 256 Statistical --181 sa statistics at bonus na 75 points sa naipanalong laro.
Samantala, inutusan ng PBL Commissioners Office ang management ng Ateneo-Pioneer sa pangunguna ni team manager Renato Caluag na gumawa ng aksiyon upang masanction ang 66 na si Enrico Villanueva bunga ng kanyang hindi magandang asal kontra kay Nurjanjam Alfad ng Pharma Quick .
At sa ipinadalang sulat ni Caluag kay PBL Commissioner Chino Trinidad, sinabi nito na " Enrico Villanuevas elbowing of Mr. Alfad in yesterdays game was totally uncalled for and must be meted the corresponding sanction. On our part, we have given him (Villanueva a very strict reprimand on top of a club fine of P10,000."
Inako naman ni Villanueva ang kanyang responsibildad sa kanyang inasal at humingi ito ng paumanhin kay Trinidad.