^

PSN Palaro

Legaspi, pinapirma uli ng Blu Sun Power

-
Lumagda ng apat na taong kontrata ang 6-foot-5 rookie slotman na si Marlon Legaspi sa Blu Sun Power na inihuhulma ng DSS Productmakers franchise sa PBL upang sumunod sa mga yapak ni Paul Asi Taulava.

Ang apat na taong kontrata na nilagdaan ng 19-gulang na si Legaspi, tinaguriang "Legaspi Tower" ay nagkakahalaga ng P2 million na magtatapos sa taong 2004. At siya ang kasalukuyang nangunguna sa karera ng Most Valuable Player para sa kumperensiya ng 2nd PBL Challenge Cup.

Tumanggi namang ihayag ni DSS Productmakers president at PBL chairman Dioceldo Sy ang ibang detalye sa kontrata ni Legaspi kung saan siya ay tatanggap ng maximum salary cap sa ikatlo at ikaapat na taon nito.

"He deserves the contract. Even as a rookie, pinakita na niya yung tapang, hardwork and dedication to the team. We were not surprised that he’s now the MVP leader, much more if he becomes a rookie-MVP," pahayag ni Sy.

Humakot ang Blu Sun Power rookie center, na produkto ng Manuel Luis Quezon University (MLQU), ng 256 Statistical --181 sa statistics at bonus na 75 points sa naipanalong laro.

Samantala, inutusan ng PBL Commissioner’s Office ang management ng Ateneo-Pioneer sa pangunguna ni team manager Renato Caluag na gumawa ng aksiyon upang masanction ang 6’6 na si Enrico Villanueva bunga ng kanyang hindi magandang asal kontra kay Nurjanjam Alfad ng Pharma Quick .

At sa ipinadalang sulat ni Caluag kay PBL Commissioner Chino Trinidad, sinabi nito na " Enrico Villanueva’s elbowing of Mr. Alfad in yesterday’s game was totally uncalled for and must be meted the corresponding sanction. On our part, we have given him (Villanueva a very strict reprimand on top of a club fine of P10,000."

Inako naman ni Villanueva ang kanyang responsibildad sa kanyang inasal at humingi ito ng paumanhin kay Trinidad.

BLU SUN POWER

CHALLENGE CUP

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

DIOCELDO SY

ENRICO VILLANUEVA

LEGASPI

LEGASPI TOWER

MANUEL LUIS QUEZON UNIVERSITY

MARLON LEGASPI

MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with