Ang panalong ito ang nagsaayos ng pakikipagharap ni Liao para sa korona kontra No. 2 Kyle Dandan na nagtagumpay naman sa kalabang si Pablo Olivarez II, 4-6, 6-3, 6-2.
Ang iba pang finalists ay magtatampok kina Cebuano Oswaldo Dumoran na nagtala ng 7-6, 6-4 panalo kontra Nico Riego de Dios upang sagupain naman si Nestor Celestino Jr., na nagtala ng malaking upset kontra second pick Jandrick de Castro, 6-3, 6-7, 6-3 sa boys 14-under class.
Naungusan naman ni Christian Cuarto ng San Beda si Irwin de Guzman, 6-3, 5-7, 6-3 upang makarating sa championship match ng boys 16-under class kontra Gino Bautista ng Ateneo na nakaligtas sa kalabang si Junjie Guadayo, 5-7, 7-6, 6-4.
Sa junior womens 21-under division, makikipagpalitan naman ng paluan si Vida Alpuerto sa kanyang pinsan na si Ziarla Battad para sa korona ng Milo netfest na ito na inorganisa ng Childrens Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids.