^

PSN Palaro

7 Fil-Foreigners kasama sa PBA Annual Draft

-
Pitong Fil-foreigners na kinabibilangan ng batikang si Kenny Evans ng San Francisco State ang kasama sa listahan ng mga aplikante na naghahangad na makatapak ang mga paa sa Philippine Basketball Association sa susunod na taon sa pamamagitan ng Annual Draft na nakatakda sa Enero 14.

Ang naturang event na unang ginanap noong 1985 ay nakatakdang idaos sa Glorietta sa Makati kung saan inaasahan na huhugutin ng Red Bull na siyang unang bubunot ang overall pick na dating Letran ace na si Willie Miller o kaya’y si Evans kung sakali mang tutoo ang mga naglabasang ulat hinggil sa 6-foot-guard.

Si Evans ang manlalaro na mas mahusay ang pagkakamolde kumpara kay Noy Castillo ng Purefoods na mas athletic ang estilo ng paglalaro.

Unang nag-apply si Miller sa Draft at siya ay inaasahang kukunin ng Red Bull na nagpakita ng kanilang interest sa high-leaping, devil-may-care player na ipinanganak na ang ama ay isang Amerikano sa Olongapo City.

Kabilang din sa listahan ng draft si dating Santo Tomas star Marvin Ortiguerra na ilang beses na ring napasama sa UAAP Mythical Team member ay sigurado na ring mapipili gaya nina Miller at Evans.

Ikalawang bubunot ang Shell Velocity kasunod ang crowd-darling Barangay Ginebra na siguradong ang kukunin ni coach Allan Caidic ay si Ortiguerra, isang natural center na nakaka-shoot.

Gaya ni Evans, ang iba pang Fil-foreign players na kabilang sa pool ay mayroong taning hanggang Enero 9, 2001 na kumpletuhin ang kani-kanilang citizenship requirements upang maging maayos ang kanilang pagsali sa Draft. Nakatakda ang huling araw ng kanilang pagsusumite sa tanghali ng Enero 3, 2001.

Si Evans ay ipinakilala ni import agent Bobby Rius na nagsabi sa kanyang liham kay Commissioner Jun Bernardino kamakailan na ang mga papeles ni Kenny sa Department of Justice ay kasalukuyang ng prinoproseso.

Ang mga manlalaro na may dugong dayuhan na naghahangad na makasali sa Draft ay kailangang magsumite ng kani-kanilang DOJ confirmations bago magtapos ang office hours sa Enero 9 upang eligible na makasali sa proseso ng drafting.

Kasali rin sa listahan ng draft sina Tristan Codamon, Jovito Sese at Oliver Agapito, habang hinihintay pa ang pasabi ni Felix Demape ng Cebu Gems sa MBA makaraang ang kanyang agent ay kasalukuyan pang nakikipag-usap sa mga staff ni Bernardino.

Ang naturang Draft ang kauna-unahang opisyal na aktibidades ng liga sa 2001 kung saan ang season ng All-Filpino Cup ay nakatakdang magbukas sa Enero 28.

ALL-FILPINO CUP

ALLAN CAIDIC

BARANGAY GINEBRA

BOBBY RIUS

CEBU GEMS

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

RED BULL

SI EVANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with