3 Pinoy GMs sa RP Masters Chess Blitz

Pangungunahan ng tat-long mahuhusay na Grand Masters ng bansa sa pamumuno ni Eugene Torre ang hostilidad ngayon ng 1st RP Masters Chess Blitz Championship sa Grandmasters Cafe sa Quezon City sa ala-una ng hapon.

Makakasama ni Torre at ng GMs na sina Joey Antonio at Bong Villamayor ang hindi bababa sa limang International Masters, tatlong Woman International masters at 21 national masters na inaasahang makikipagpigahan ng utak para sa prestihiyosong titulo.

Kabilang din sa kalahok sina International Masters Barlo Nadera, Ricky de Guzman, Chito Garma, Nelson Mariano II, Singapore-based Domingo Ramos, International Master Beverly Mendoza, Arianne Bo Caoili, National Masters John Paul Gomez, Oliver Barbosa, Ronald Dableo at Darwin Laylo.

Nakataya rito ang premyong P5,000 at eleganteng tropeo para sa kampeon. Pagkakalooban din ng premyo ang mula 15 place, habang mag-uuwi naman ang 2nd at 3rd placers ng P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

Show comments