Sprewell, Houston nagpasabog para sa Knicks
December 29, 2000 | 12:00am
WASHINGTON -- Kumana si Latrell Sprewell ng 25 puntos, habang nagpasabog naman si Allan Houston ng 23 puntos upang talunin ng New York Knicks ang Washington, 89-82 noong Miyerkules ng gabi at ihatid ang Wizards sa panibagong all-time low.
Ang kabiguan ay naglagay sa Wizards sa record na 5-24, ang franchise worst ngayong season. Sinimulan ng 1966-67 Baltimore Bullets ang 6-23.
Nagtala rin si Larry Johnson ng 14 puntos at anim na rebounds para sa Knicks na nanalo ng ikalawang dikit.
Tumapos naman si Juwan Howard ng 20 puntos para sa Wizards na natalo ng limang sunod at ikaanim na dikit sa kanilang tahanan.
Sa Houston, umiskor si Gary Payton ng 26 puntos at 10 assists, habang nagdagdag naman si Ruben Patterson ng 23 puntos upang ipalasap ng Seattle sa Houston ang kanilang ikaanim na sunod na talo, 107-92.
Hindi pa nanalo ang Rockets simula ng talunin sila ng Golden State, 98-95 noong Dec. 14 at hindi pa rin sila namamayani sa kanilang sariling balwarte sapul ng igupo ng Dallas, 109-102 noong Dec. 5.
Sa Miami, kumamada si Eddie Jones ng 22 puntos upang palawigin ng Miami ang kanilang winning streak sa tatlong laro matapos na talunin ang Indiana Pacers, 91-79.
Ang naitalang 79 puntos ng Pacers ngayong season ang siyang pinakamababang marka nila kung saan nadismaya sila sa pagkakatalsik sa laro nina Reggie Miller at Al Harrington, bago nasalanta pa sina Sam Perkins at Derrick McKey ng mga technical fouls.
Sa Oakland, California, isinalpak ni Allen Iverson ang 21 sa kanyang 29 puntos sa second half, limang araw matapos na bahagyang ma-dislocate ang kanyang kanang balikat nang ibulsa ng Philadelphia ang 118-110 panalo kontra sa Golden State.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am