Bukod kay Atienza na may 50 puntos, kabilang din sa top 10 sina Romel Asoque (44), Raul Villate (43), Gunnar Abelido (38), Catalino Santos (32), Randy Cueto (31), Jun Rivera (26), Salvador Paragua (24) at Valentino Bautista (20).
Ang naturang year-long 11-leg event na ito na mas kilala sa pangalang PERAC 2001 ay hatid ng DNS Company at inorganisa ng Active Chess Center of Asia (ACCA) sa pakikipagkooperasyon ng Belgosa Media Systems, Land Bank, Topmost Engineering, Travel Cafe at OMNI Business Center.
Sa elite harmony section, bumandera ang dentistang si Jenny Mayor na nagtala ng 51 puntos, sumunod ang businessman na si Douglas Peña at ang defending champion Jose Ventura Aspiras na may 48 at 47 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nasa ikaapat at ikalimang puwesto naman sina Police major Melandro Singson at engineer Bobby Alba na nagsosyo sa tig-40 puntos.
Hawak ni Aspiras ang mahirap na malampasang record na pamamayani ng tatlong grand final championships. Sina Cada, Mayor at Singson ang iba pang grand prix winners, habang hawak naman ni Rommel Tacorda ang record na limang stages na panalo sa isang season.