Ang 60 na si Miller, isang go-to-guy ng Nueva Ecija sa MBA ay nakasiguro na ng kanyang release papers at eentra ito sa Draft na magtatampok hindi lamang ng mga amateur cagers, gayundin ng ilang manlalaro mula sa MBA na hindi pa naka-pagpakita ng aksiyon sa PBA.
Nauna rito, sinabi ng Batang Red Bull na kinu-kunsidera rin nila ang isa pang high-flying ace na si Paul Alvarez ng Pasig-Rizal Pirates. At sa katunayan, sinabi ni Alvarez na bababaan niya ang kanyang presyo sa kasalukuyang P500,000 sahod kada buwan na kanyang tinatanggap sa Pasig at sa sumusuporta sa kanyang ABS-CBN sa P330,000 para lamang makabalik muli sa PBA.
Gayunman, lumabas sa ibang mga ulat na sinabi ni Alvarez na nais niyang ipagpatuloy ang kanyang paglalaro sa MBA kung saan siya ay nakakasiguro ng mas mahabang oras sa hardcourt.
Inamin rin ni Batang Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao na naging matagumpay ang kanilang kampanya sa nakalipas na PBA Governors Cup kung saan sila ay tumapos ng ikatlong puwesto at ito ay sa dahilan na nagkaroon sila ng isang mahusay na outside shooter at slasher sa katauhan ni Tutt.
At ito ang dahilan kung bakit ibig ni Guiao na magkaroon ng isang katulad ng talento ni Tutt.
At si Miller nga ang kanilang napipisil na may kahintulad ng tikas ni Tutt.
Inubos ni Miller ang kanyang taon sa paglalaro sa Letran Knights sa National Collegiate Athletic Association bago siya nagtungo sa Tanduay Rhum camp noong 1998 kung saan marami siyang pinahangang basketball fanatics sa Philippine Basketball League.
Isa rin sana siya sa listahan ng mga manlalaro na direktang bibitbitin ng Tanduay sa PBA mula sa PBL kung ito ay sumapi sa PBA noon.
Ngunit nasorpresa ang mga opisyales ng Tanduay nang lumagda si Miller ng kontrata sa Patriots sa kabila ng kanyang existing contract sa Rhummasters.
Bukod kay Miller, ang iba pang player mula sa Nueva Ecija na target ng mga PBA teams ay ang 6-4 power forward na si Dave Bautista na inaa-sinta ng Pop Cola.