Nakatakda ang kanilang engkuwentro dakong alas-2:15 ng hapon.
Kailangan ng Grease-busters na maipanalo ang kanilang laban ngayon at igupo naman ang nangungunang Spring Cooking Oil sa kanilang huling asignatura upang makopo ang nag-iisang wild card entry mula sa losers bracket.
Nakasaad sa tournament rules na ang top team sa loser bracket ang siyang makakasama naman ng top three teams mula sa winners circle patungo sa four-team crossover semifinals.
" At least were still on track for the semifinals. Were taking the last two crucial steps into the next round so I asked the boys to work doubly hard," wika ni Dazz-Letran coach Binky Favis.
" A three-way tie is possible, so we have to win by a big margin when we meet Spring Cooking Oil," dagdag pa ni Favis na sasandig muli sa mga balikat ng beteranong sina Jason Misolas, Ronjay Enrile, Patrick Tiongco, Ismael Junio at Richard Alonso.
Sa iba pang laro, umaasa naman ang Boysen-MLQU na mapalakas ang kanilang kampanya para sa No. 1 spot sa kanilang pakikipagtunggali kontra sa Maynila sa alas-5:45 ng gabi, habang maghaharap naman ang Mr. Wash-FEU at ang Crystal Spring-Las Piñas College sa alas-4.