PBAPPC Awards Night sa National Press Club
December 26, 2000 | 12:00am
Dominado ng San Miguel Beer at Viva Vintage Sports ang gaganapin sa Miyerkules na 2nd Philippine Basketball Association Press Photographers Club (PBAPPC) Awards Night.
Sa pitong ipamimigay na karangalan ng samahan ng mga litratistang kumokober ng propesyunal na liga, tigatlo ang napasakamay ng SMB at VVS sa okasyong gaganapin sa National Press Club sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.
Mangunguna si 2000 PBA Most Valuable Player Danilo Ildefonso na gagawaran ng Mister Photogenic dahil sa naging paboritong gamitin ang kanyang mga larawan ng mga editor ng ibat ibang pang-araw-araw na pahayagan.
Tinalo ng 24-anyos at 6-6 slotman mula sa Urdaneta City, Pangasinan para sa naturang award ang kanyang teammate na sina Danny Seigle, Jimwell Torion ng Batang Red Bull, Venancio Paras ng Shell Velocity at ang nanalo noong isang taon na si Kenneth Duremdes ng Alaska Aces.
Napili naman sina Arturo dela Cruz at Bethune Tanquingcen bilang Assistant Coach of the Year.
At sa ikatlong pagkakataon, muling pararangalan si Boybits Victoria ng Role Player of the Year award matapos na manalo kina Rodney Santos ng Alaska, Gerard Francisco ng Sta. Lucia, Junthy Valenzuela ng Red Bull at Teodorico Fernandez III ng Purefoods.
Nahirang naman na New Comer of the Year ang Fil-Am ng Tanduay na si Rudy Hatfield, nanalo namang Mr. Play by Play si Atty. Noli Eala kontra Ed Piczon, Benjie Santiago, Mon Liboro, Ronnie Nathanielz at 1999 winner na si Chino Trinidad.
Bukod kay Eala, parara-ngalan din sina Andy Jao at Anthony Suntay bilang Sports Analyst of the Year at Host/Interviewer, ayon sa pagkakasunbod.
Inimbitahan na panauhing pandangal si PBA Commissioner Jun Bernardino Jr., sa event na magsisimula sa alas-7 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended