Espinosa vs Sanchez sa Enero 6

Isang kapana-panabik na laban ang masasaksihan.

Ito ang naging forecast ng Mexican-born trainer na si Robert Aguallo na umaasa ng matinding upakan sa pagitan nina dating World Boxing Council (WBC) featherweight champion Luisito Espinosa at ng No. 9 contender na si Augie Sanchez sa Las Vegas sa Enero 6.

Tumanggi si Aguallo na magbigay ng prediksyon sa nalalapit na laban, ngunit ginagarantiyahan naman nito na ang nakatakdang 10-round bout ay magiging isang "spectacular."

Ang naturang laban ay undercard sa World Boxing Association junior lightweight title match sa pagitan nina champion Joel Casamayor ng Cuba at challenger Roberto Garcia ng Oxnard, California. Ang labang ito ay ipalalabas sa pay-per-view TV sa Amerika ng Showtime network.
Sinabi pa ni Aguallo na si Espinosa ay handang-handa nang lumaban kay Sanchez na mula sa 160-araw na pagkakasuspindi matapos na ito ay matalo kay Naseem Hamed sa ikaapat na round knockout sa Connecticut noong nakaraang Agosto.

"Luisito will fight (at) 128 pounds," ani Aguallo kahapon sa e-mail ng The STAR mula sa kanyang tahanan sa San Francisco. "I am extremely confident in his condition as always. Luisito is training to his full potential. We’ve had great sparring and a perfect training camp. He’s four pounds from his fighting weight. We’ve surrounded ourselves with good boxing people --S onny Marson who comes with 40 years of experience and Marco Gomez. All that’s left is to fight on Jan. 6."

Kinilala rin ni Aguallo ang sparmates ni Espinosa na si Juan Arrias bilang ‘hot prospect’ at ang walang talong si Joaquin Guallardo.

Ipinaliwanang din ng 33 gulang na si Aguallo, dating US Golden Gloves featherweight titlist na hindi siya naging pro at nagretiro ito sa ring noong 198, na pumayag si Espinosa na harapin si Sanchez sa dahilang ito ay napakadelikadong kalaban, malakas sumuntok, napakabata pa at nasa top 10 fighter at mayroong extensive amateur career.

Kung sakaling maipanalo ni Espinosa ang labang ito kay Sanchez, kanyang mapapalakas ang tsansa na mapasabak sa mananalo sa pagitan naman nina WBC featherweight title duel sa pagitan nina Guty Espadas at Erik Morales sa Pebrero.

Show comments