P19.7 milyon rubberized track oval bubuksan na

Ang lahat ay handa na para sa pagpapasinaya ng bagong P19.7 million rubberized track oval ng Provincial Government ng Laguna na pamumunuan ni Laguna Governor Jose D. Lina Jr., bukas sa San Luis Recreational, Education, Cultural and Sports (RECS) Village sa Sta. Cruz, Laguna.

Unang pagdarausan ng aksiyon ang eight-lane, 400-meter oval track na may 100-meter warm-up area sa pagiging punong abala ng Laguna sa Batang Pinoy sa susunod na taon na pansamantalang itinakda sa Enero 14-17.

Ang naturang track ay nababalutan ng tatlong layer ng goma at ito ay ginawa noon pang nakaraang Hulyo.

Show comments