Robinson ng Shark hinog na para sa PBA
December 25, 2000 | 12:00am
Bagamat hindi siya ang top pick para sa 2001 PBA Draft, desidido pa rin si Michael Robinson na umakyat sa professional loop sa Asia.
Ang 5-foot-9 na si Robinson ay maituturing na ideal na point guard ng sinumang coach. Sa katunayan, siya ay naglalaro sa koponan ng Shark bilang pamalit ng point guard na si Edgar Echavez.
At ang kanyang cat-quick moves ay consistent bilang isang "quick-thinking" player na nakakuha ng respeto kay Shark coach Leo Austria.
" Actually, hindi mo siya puwedeng ikonsidera na second stringer kay Echavez. He has proven himself at par, very reliable and most of all, I believe he’s one of the most intelligent players in the PBL today. Kahit bago siya sa team, he truly deserved the playing time he’s getting," ani pa ni Austria.
Naging bahagi rin si Robinson na magdiriwang ng kanyang ika-26 kaarawan ngayong Pasko sa five-peat ng San Sebastian noong 1998 NCAA season. Ang kanyang impresibong performance sa pinakamatanda ng collegiate league ang pumukaw ng atensiyon ng San Juan Knights kung saan naglaro siya ng isang season.
At noong nakaraang kumperensiya, siya ay naglaro sa nabuwag na Bingo Pilipino bago siya nagtungo sa kampo ni Raul Panlilio-owned Shark Energy Drink.
At kanyang pinatunayan kay Austria ang kanyang abilidad at tunay na kakayahan.
Sa kasalukuyan, siya ay best field goal shooter na humatak ng 64.9% average (24-of-37) at best in steal sa kanyang average na 2.5 sa kasa-lukuyang PBL Challenge Cup.
At sa statistical race, nasa ikapitong baytang si Robinson para sa karera ng MVP sa kanyang itinalang 206 SPs.
"Malaki talaga ang pasasalamat ko kay coach Leo (Austria) dahil sa tiwala niya pati na rin sa aming team owner na si Raul Panlilio at team manager Jesse Chua," pahayag naman ni Robinson.
"Napakagandang break ang binigay nila sa akin. Ako kasi pag pinasok, I always play without reservation. You just have to follow the instructions of your coach and sometimes do what you have to do on certain situation inside the court," dagdag pa niya.
Isa si Robinson sa 12 manlalaro ng PBL na nagpahayag ng kanyang intensiyon na sumapi sa 2001 PBA Draft sa Enero 14 sa Glorietta Makati City.
Ang iba pa ay sina Francis Zamora, Allen Patrimonio at Calijohn Orfrecio ng Welcoat, Marvin Ortiguerra at Rolando Pascual ng Ana Freezer, Orly Torrente at Jerald "Wowie" Ybañez ng Montana, Ramon Jose ng Osaka Iridologist, Ken Gumpenberger, Edgar Echavez at Roger Yap ng Shark.
Inihayag ni PBL Commissioner Chino Trinidad na ang lahat ng mga PBL players na ibig sumali sa Annual Draft ng PBA ay mayroong pagkakataon hanggang Dec. 28 upang mag-file ng kanilang aplikasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended