Sa unang round, maraming suntok ang tumama kay Tamaki kayat bumagsak ito at sa ikatlong round ay tuluyan na itong humalik sa canvass.
Gayunpaman, nakayanan ni Tamaki na manatiling nakatayo at tapusin ang 12-rounder kontra sa Pinoy.
Kasama ni Ari ang kanyang manager na si Gabriel Bebot Elorde, Jr. at trainer na si Ervito Salavarria.
Ang tatlong huradong Koreano, Hapon at Philippine judge na si Virgilio Garcia ay pabor sa champion na lumamang ng 9-puntos.