Nasa ilalim ng naturang alok, tatanggap ang two-time Most Valuable Player ng maximum na P500,000 buwanang suweldo sa unang dalawang taon at ito ay bababa sa P300,000 buwanang suweldo sa ikatlong taon kung siya ay magiging bahagi na lamang ng coaching staff.
Itoy kung sakaling magdesisyon na ang maturang cager na tuluyan ng magretiro makaraan ang dalawang season. Gayunman, kung sakaling magdesisyon ito na muling ipagpapatuloy ang kanyang paglalaro at may kakayahan pa rin, habang si Buboy Rodriguez ay tuluyan ng binitiwan ng koponan sa kaagahan pa lamang ng buwang ito at siya ay kasalukuyan nang naglalaro sa Ana Freezers sa PBL. Hindi maliwanagan kung ano ang magiging kinabuksan nina Encarnacion at Luna, habang posibleng muling kunin ng Shell sina Marzan, Mendoza at Santos.
Wala nang makakapigil pa sa paglipat sa PBA ni Willie Miller, ang isa sa key player ng Nueva Ecija Patriots sa MBA.
Nagpalista na si Miller sa gaganaping Annual Draft ng PBA ngunit pinipigilan ito ng ABS-CBN na siyang umako ng kanyang kontrata sa isang community based league.
Sinabi ni Miller na hindi pa ibinibigay ng ABS-CBN ang kanyang kalahating buwang sahod na P100,000 upang mapagbago ang desisyon.