^

PSN Palaro

Limang taon kontrata ng Shell tinanggihan ni Paras

-
Tinanggihan kahapon ng tinaguriang "Tower of Power" ng PBA na si Venancio Paras ang ibinigay sa kanya ng Formula Shell na limang taong extension na nagkakahalaga ng P22 million kung saan ang kanyang kontrata ay mapapaso sa darating na Dec. 31.

Nasa ilalim ng naturang alok, tatanggap ang two-time Most Valuable Player ng maximum na P500,000 buwanang suweldo sa unang dalawang taon at ito ay bababa sa P300,000 buwanang suweldo sa ikatlong taon kung siya ay magiging bahagi na lamang ng coaching staff.

Ito’y kung sakaling magdesisyon na ang maturang cager na tuluyan ng magretiro makaraan ang dalawang season. Gayunman, kung sakaling magdesisyon ito na muling ipagpapatuloy ang kanyang paglalaro at may kakayahan pa rin, habang si Buboy Rodriguez ay tuluyan ng binitiwan ng koponan sa kaagahan pa lamang ng buwang ito at siya ay kasalukuyan nang naglalaro sa Ana Freezers sa PBL. Hindi maliwanagan kung ano ang magiging kinabuksan nina Encarnacion at Luna, habang posibleng muling kunin ng Shell sina Marzan, Mendoza at Santos.

Wala nang makakapigil pa sa paglipat sa PBA ni Willie Miller, ang isa sa key player ng Nueva Ecija Patriots sa MBA.

Nagpalista na si Miller sa gaganaping Annual Draft ng PBA ngunit pinipigilan ito ng ABS-CBN na siyang umako ng kanyang kontrata sa isang community based league.

Sinabi ni Miller na hindi pa ibinibigay ng ABS-CBN ang kanyang kalahating buwang sahod na P100,000 upang mapagbago ang desisyon.

ANA FREEZERS

BUBOY RODRIGUEZ

ENCARNACION

FORMULA SHELL

GAYUNMAN

MOST VALUABLE PLAYER

NUEVA ECIJA PATRIOTS

TOWER OF POWER

VENANCIO PARAS

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with