Tinalo ni Arevalo ang second seed na si Deena Rose Cruz, 6-1, 6-3 sa 18-under class, bago isinunod na biktima ang third seed na si Charise Godoy nang kanya itong igupo, 6-1, 6-1 sa 16-under division.
Nakisalo naman sa kara-ngalan ang Palarong Pambansa doubles gold medalist na sina Johan at Yannick Guba nang manalo sa kani-kanilang division.
Umiskor si Johan ng 7-6 (4), 6-4 panalo kontra sa fourth seed na si Ghandi Matunog upang ibulsa ang korona sa boys18-under category, habang sinungkit naman ni Yannick ang korona sa boys 16-under plum sa iskor na 6-3, 2-6, 6-2 kontra sa top seed na si Christian Cuarto ng San Beda.
At sa 14-under class, sinibak ng No. 1 Oswaldo Dumoran ang fourth pick na si Nestor Celestino Jr., 6-3, 7-5 at nau-ngusan naman ng second seed na si Edelyn Balanga ang second seed Berry Sepulveda, 6-4, 2-6, 6-4 para sa korona ng boys and girls division, ayon sa pagkakasunod sa event na ito na suportado ng Viva Mineral Water.
Sa iba pang resulta, pinabagsak ni No. 1 Bien Zoleta si 3rd seed Melissa Orteza, 6-1, 6-1, sa girls 12 under final habang ang third pick na si Gerard Bergavera ay namayani naman sa unisex 10-under title nang pabagsakin nito ang No. 1 na si Felipe Mayor, 6-3, 6-3.