At sa boys 18-under division, sinibak naman ng top seed nasi Johan Guba ng La Salle ang No. 5 na si Emerson Ocampo ng San Beda, 6-3, 7-6 (3) upang umusad sa finals kontra No. 4 Ghandi Matunog na nanaig naman kay John Rey Moreno, 3-6, 6-4, 6-3.
Humakbang din sa susunod na round ang nakababatang kapatid ni Johan na si Yannick, ang No. 4 seed sa 16-under plum matapos na hatakin ang 6-1, 6-1 pamamayani kontra Jandrick de Castro at kanyang makakasagupa ang No. 1 na si Christian Cuarto na nanalo naman kontra Patrick John Tierro, 7-5, 6-1.
Sa iba pang resulta, pinabagsak ng No. 1 na si Os-waldo Dumoran ang No. 3 na si Janjie Soquino, 7-6 (1), 7-6 (5), habang naglatag naman ng malaking rally ang No. 4 na si Nestor Celestino Jr., upang maungusan ang No. 2 na si Nico Riego de Dios, 6-4, 3-6, 7-6 (6) at ipuwersa ang kanilang titular showdown sa 14-under category.
At sa kababaihan, naokupahan ng No.1 na si Czarina Mae Arevalo ng Ilocos Norte ang isang puwesto sa finals makaraang igupo ang No. 3 na si Charise Godoy ng Tangub, 6-3, 6-2.
Ginapi rin ng No.2 na si Deena Rose Cruz ang huling finals slot matapos na patalsikin ang No.4 na si Julie Ann Cadiente, 6-3, 6-2 sa girls 18-under class.