Big Shots Executive 9-Ball Tourney sisimulan

Dahil sa walang kamatayan at dumadaming ‘Love Affair" ng mga Pilipino at bilyar. Ang Big Shots Bar & Billiards, sa kooperasyon ng Gandour Philippines (Phil. Distributor ng Tofiluk, Safari, Shara, Kunuz at Saudan) at ng Sportslife Magazine, isang malaking tournament ang kanilang idaraos.

Ang naturang tournament ay tinaguriang "The Big Shots Executive 9-Ball Open Tournament" na gaganapin bukas, alas 3 ng hapon sa Big Shots Bar & Billiards na matatagpuan sa Delta Theater B;dg., cor. Quezon at West Avenues, Q.C.

Nakataya rito ang premyong P20,000 sa kampeon, P10,000 sa 2nd place at P5,000 sa 3rd place bukod pa ang mga gifts package ang ipamimigay.

Show comments