^

PSN Palaro

Solo liderato pag-aagawan ng Montana at Shark

-
Kung pagpapaganda ng record ang layunin ng Shark Energy Drinks at Montana Jewels, paghahabol naman sa semifinals ang hangad ng Pharma Quick at Osaka Iridologists.

Ito ang tema ng labanan ng league leaders at Cellar Dwellers ngayon sa 2nd PBL Challenge Cup na ginaganap sa Makati Coliseum.

Unang magsasagupa ang Pharma Quick at ang Iridologists sa pambungad na laban sa ganap na alas-3:30 ng ha-pon at susundan naman ito ng engkuwentro ng magkasalong lider na Shark at Montana sa dakong alas-5:30 ng gabi.

Ang Power Boosters at Jewelers ay kapwa nag-iingat ng 6-2 win-loss slate at pareho na itong nakakasiguro ng puwesto sa six-team carry-over semis round.

Inaasahan na gagawa ng eksplosibong opensa ang Power Booster upang muling makabalik sa winning form matapos na makamit ang dalawang sunod na talo mula sa mga kamay ng Blu Sun Power at sa defending champion Welcoat Paints.

Sa kabila nito, siguradong mahihirapan ang Power Boosters dahil inspirado ang Jewelers sa kanilang laban ngayon kung saan may misyon ito na kanilang tutuparin.

Hangad ng Jewelers na maipaghiganti ang kanilang nalasap na 50-62 kabiguan noong Disyembre 5 sa mga kamay ng Shark.

"Ganoon pa rin ang laro namin, but there wil be some adjustments. I’m sure they’re raring to get back at us. Pero kailangan din naming makabalik at talagang pinaghandaan namin ang labang ito, " wika ni Shark coach Leo Austria.

"Talagang gustong makabawi nung mga bata. We expect it to be tougher than first time we met. But this time, I’m hoping there will be no stone unturned," sagot naman ng guro ng Montana na si Leo Isaac.

At sa kanilang unang paghaharap, dinomina ng Shark ang boards, 43-35 kung saan humakot ito ng 20 puntos sa fastbreaks at kanilang napuwersa ang Montana ng magtapon ng bola sa 21 pagkakataon.

Siguradong muling sa-sandigan ng Montana ang mga balikat nina Gilbert Lao, Jacques Gottenbos at Orly Torrente.

Ang Osaka-La Salle ay nag-iingat naman ng 2-6 kartada kasunod ang nangungulelat na Pharma Quick na iisa pa lamang ang panalo sa 8 pakikipaglaban.

Obligado ang Osaka at Pharma Quick na ipanalo ang kanilang mga huling na-lalabing laro upang makasiguro ng playoff para sa huling semis berth.

Hangad ng Pharma Quick na makabangon sa kanilang dalawang sunod na talo na magpapahaba ng kanilang pisi sa torneong ito.

Nais ding putulin ng Osaka na huling nabigo kontra sa Ana Freezers, 56-62 kamakalawa, ang kanilang three-game losing streak upang manatiling malakas ang tsansa sa kontensiyon.

ANA FREEZERS

ANG OSAKA-LA SALLE

ANG POWER BOOSTERS

BLU SUN POWER

CELLAR DWELLERS

CHALLENGE CUP

GILBERT LAO

HANGAD

KANILANG

PHARMA QUICK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with