At ang kanilang tsansa ay ang pag-asinta ng Thunder sa isang Fil-American cager na sasali sa nasabing drafting.
Ito ang inihayag kahapon ni Batang Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao makaraang maging masuwerte sa gina-nap na bunutan ng draw at talunin ang Shell Velocity sa top pick overall sa susunod na taong Draft.
Ang Thunder ang siyang ikalawang koponan na may masamang record sa season at bumagsak ito sa 33% sa top pick kontra sa Turbo Chargers na siya namang pinakamasamang koponan sa PBA na may record na 66%.
At sa tatlong nalalabing envelopes na isa rito ay ang pangalan ng Red Bull, nabunot ni PBA Commissioner Jun Bernardino Jr., ang Thunder noong Linggo sa ginanap na bunutan sa Game Four sa pagitan ng Purefoods TJ Hotdogs at ng San Miguel Beer.
"Admittedly, the success we achieved in the Governors Cup is attributed to our having import like Rey Tutt who is a scorer,. That opened our eyes to the needs of the team," ani Guiao patungkol sa tinapos ng Thunder sa season-ending conference kung saan nasukbit nila ang ikatlong puwesto.
"We really dont need a big man anymore because Kerby Raymundo is coming back after serbing a one-year suspension. But if there is a good big man available in the Draft, then we might still go for him," wika pa ni Guiao.
Ang malalaking tao na inaasinta sa 2001 Draft ay sina Marvin Ortiguerra ng Ana Freezers, Francis Zamora ng Welcoat House Paints, Ricky Calimag at Melchor Latoreno ng Montana Jewelers at Homer Rubi ng Cebu Gems.
Ngunit kung sa pagitan ng malaking tao at ng mahusay na shooter, mas pipiliin ng Red Bull ang isang shooter. At dahil sa napasakamay nila ang top pick sa draft, sila ay mas mayroong magandang tsansa na makapamili ng pinakamahusay na kamador na available sa draft.
Sa kabila nito, hindi inihayag ni Guiao ang pagkakakilanlan sa napipisil nilang Fil-Am cager bagamat ang Red Bull ang siyang number one pick sa draft, ito ay kagustuhan umano ng management upang ang mga kaukulang dokumento ay maayos at makakuha ng certificate of confirmation mula sa Department of Justice.