^

PSN Palaro

Pampangueños tinusta ng Spring Oil sa PYBL Tourney

-
Higit pang pinalakas ng Spring Cooking Oil ang kanilang kampanya na makausad sa semifinals makaraang iposte ang kanilang ikatlong dikit na panalo sa 1st Philippine Youth Basketball League (PYBL) kahapon sa Makati Coliseum.

Ginulantang ng Spring Cooking Oil na pag-aari ng national shooter Nathaniel "Tac" Padilla ang University of Assumption-San Fernando, Pampanga, 83-66 upang makuha ang solong pamumuno sa lower six quarterfinals.

Base sa tournament format, ang top team sa loser bracket makaraan ang single round quarterfinals ang makakasama naman ng top three teams sa winners bracket sa knockout cross-over semifinals.

Isinalpak ng power-forward na si Roberto Añonuevo ang 8 sa kanyang 18 puntos, habang nagdagdag naman ang kanyang mga ka-teammates na sina Mar Reyes at Mike Buendia ng tig-5 puntos upang dalhin ang power Spring Oil sa tagumpay.

Nakalubog sa 11 puntos sa unang yugto ng labanan, binanderahan ng pointguard na si Roel Galura ang Pampangueños upang makapaglunsad ng malaking rally sa third period upang makalapit sa kalaban.

Ngunit nabigo si Galura na umiskor ng 10 sa kanyang 18 puntos sa second quarter na makakuha ng sapat na tulong mula sa kanyang mga kasamahan upang masustinihan ang atakeng ibinaba ng Pampanga dahilan upang malasap nila ang ikatlong dikit na talo sa ganoon ding dami ng pakikipaglaban.

Sa ikalawang laro, binigo naman ng Letran College-Dazz ang tangkang makapasok sa quarterfinals ng Jose Rizal College makaraang payukurin nila ang Heavy Bombers, 73-54.

Pinangunahan ni Ismael Junio ang kanyang koponan sa pagposte ng impresibong double-double performance sa pagtapyas ng 27 puntos at paghatak ng 11 rebounds at ihatid ang kanyang koponan sa ikalawang panalo matapos ang tatlong pakikipaglaban.

Bunga ng kanilang panalo, ang Knights ay naka-tabla sa ikalawang puwesto sa kanilang biktima na pawang nag-iingat ng 2-1 win-loss slate sa likod ng solong lider na Spring Cooking Oil na may malinis na 3-0 karta at patuloy na umaasa na manatiling buhay ang kanilang tsansa sa susunod na round.

HEAVY BOMBERS

ISMAEL JUNIO

JOSE RIZAL COLLEGE

LETRAN COLLEGE-DAZZ

MAKATI COLISEUM

MAR REYES

MIKE BUENDIA

PAMPANGA

PHILIPPINE YOUTH BASKETBALL LEAGUE

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with