Montana nakakuha ng ticket sa playoff
December 17, 2000 | 12:00am
Nakasiguro ng tiket para sa playoff ng huling semifinals berth ang Montana Jewels nang kanilang iposte ang 65-58 pamamayani kontra sa Ateneo-Pioneer Insurance sa pagpapatuloy ng 2nd PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Pinangunahan nina Orly Torrente at Jensen Mesina ang Jewelers sa paghakot ng 18 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod na naghatid sa Montana sa kanilang ikaanim na panalo sa anim pakikipaglaban.
Bunga nito, kasalo na ngayon ng Montana ang walang larong Shark Energy Drink na nakakasiguro na rin ng playoff para sa 6-team carry over semis round bunga ng kanilang 6-2 record.
Nabigong magtagumpay ang Ateneo-Pioneer sa kanilang tangkang paghahabol nang umiskor ng tres si Mesina sa huling 13.6 segundo ng labanan na humatak sa Montana sa 63-59 kalamangan.
Tuluyan nang natiyak ng Jewelers ang tagumpay nang ipasok ni Aries Dimaunahan ang kanyang dalawang free throws para sa final score na 65-58, 6.9 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.
Naglaho ang naitalang 57-47 bentahe ng Jewelers nang pakawalan ng Ateneo-Pioneer ang mainit na 12-3 run na naglapit ng iskor sa 60-58 ngunit hindi na nakaiskor pa ang Pioneer Insurance buhat dito.
Nalasap ng Ateneo-Pioneer na pinangunahan nina Edrick Ferrer at Richard Alvarez na may 16 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod ang kanilang ikalimang talo sa 8 pakikipaglaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended