Albarico, lider pa rin sa Ortigas and Company Chess Tourney

Bagamat natalo ang final na laban ni Joel Albarico, ito ay nakakuha pa rin ng sapat na puntos upang manatiling hawak ang pamumuno sa Ortigas and Company Chess Club tournament na ginaganap sa PCIBank Arcade sa Greenhills Shopping Center Complex sa San Juan.

Yumukod si Albarico kay Lito Concepcion para tumapos lamang ng pitong puntos sa isang araw na nine-round event na ito at may kalahating puntos na bentahe naman kay Artemio Acroda na sumablay para makuha ang kampeonato matapos na matalo kay Michael Nivares.

Show comments