Air Force team muling nanalasa sa AFP-PNP Olympics
December 15, 2000 | 12:00am
Muling ipinagpatuloy ng powerhouse Air Force team ang kanilang winning streak makaraang dominahin ang karamihang events na pinaglalabanan sa AFP-PNP Olympics 2000.
Ipinamalas ng PAF wrestlers ang kanilang tikas upang makalapit sa pagkuha ng championship medal sa Wrestling, habang tinalo naman ng Sepak Takraw kickers ang kanilang kalaban na Navy, 2-1.
Naitala rin ng PAF kickers ang 1-0 pamamayani kontra sa Army sa final games noong nakaraang linggo para maisukbit ang gintong medalya.
At sa basketball events, namayani rin ang PAF officer kontra Navy, 102-87, tinalo rin ng enlisted personnel ang Navy, 82-73 sa ikalawang laro.
Nagtala naman ng dalawang panalo ang PAF tennis players nang umiskor ng 4-2 kontra sa kanilang karibal na Navy sa table tennis at 4 naman sa lawn tennis.
Nakuha ng Dynamite Arnis Team ang 1st runner-up slot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended