Tinalo ni Caoilli ang higher-Elo rated at higher-titled Tuitebayeva para sa ikatlong pagkakataon upang masolo ang pamumuno sa itinalang kabuuang tatlong puntos matapos ang ikatlong rounds. Hawak ang malakas na bishop sa kalagitnaan ng laro, naipu-wersa ni Tuitebayeva ang Fil-Australian na sumuko makaraan ang 35 sulungan.
Sa kabila ng mataas na lagnat na umabot sa 41-degree at minsan-minsan na pananakit ng sikmura sa nasabing event, nagawa pa ring igupo ni Caoilli na may Elo-rated 2113 ang kalabang si Tuitebayeva, ranked number 19 sa daigdig para sa girl (under-20) chesser.
Sa murang edad na 13 anyos, naging suki na ng Filipina Olympian ang Kazakhstan player .
Sa kalalakihan, nagawang makitabla ni Barbosa sa top spot nang kanyang talunin ang boys No. 1 seed Susan Megranto ng Indonesia.
Kasosyo ni Barbosa sina Luke Leong ng Singapore at Sander Severu ng Bacolod na pawang nagtataglay ng 2.5 puntos sa tournament na ito na hatid ng Pik-Nik Snack Foods, Inc.
Ginapi ni Barbosa, kasalukuyang ASEAN U-16 titlist at anchor ng Letran junior chess squad ang kanyang kalaban sa pamamagitan ng Sicilian Dragon moves.
Ang iba pang nanalo ay sina Christian Arroyo, Julius Joseph de Ramos at Bernard Templo na pawang nagtataglay ng 2 puntos at nagtala naman ng tig-1.5 puntos sina Jerommel Gabriel, Vic Neil Villanueva, Joel Valdez Jr., at Sadorra.