MLQU-Boysen, JRC namayani
December 14, 2000 | 12:00am
Binokya ng MLQU-Boysen ang Mercury Freight-St. Benilde sa final 1:24 minuto ng sagupaan upang itakas ang 76-59 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa quarterfinals ng 1st PYBL tournament league sa Makati.
Gumawa ng impresibong performance si Edilito Saygo ng humakot ito ng 39 puntos, 10 rebounds at tatlong assists upang ihatid ang Paint Experts sa kanilang solong pamumuno sa winners bracket.
Bumagsak naman ang Freight Masters sa 1-1 kartada.
Umiskor si Saygo ng 14 puntos sa final quarter upang manatiling hawak ng Paint Experts ang trangko ng laro sa kabila ng ibinabang matinding atake ng Freight Masters kung saan nagawa nilang ibaba ang 20 puntos na kalamangan sa kaagahan ng third quarter.
Isang jumper ni Estilitus Mendoza at triples ni Alexandro Magpayo ang muling nagbaba ng kala-mangan ng Paint Experts sa siyam na puntos na lamang, 59-68, may 1:24 ang nalalabi sa oras.
Ngunit sa sumunod na bahagi ng laro ay hindi na nakagawa pa ng oposisyon ang Mercury Freight matapos na ma-fouled-out si Magpayo na sinundan ng pagmintis ng jumper ni Jon Dan Salvador.
Nauna rito, iginupo naman ng Jose Rizal College ang Gringo-Barkadahan, 78-63.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended