Nakatakdang ganapin mula Disyembre 11 hanggang 21, may 29 Filipino at 8 dayuhan ang magtutunggali sa pinakaaasam na Asian under-16 title sa 9-round Swiss system event na ito.
Mahigit sa 80 chess-loving katao (kabilang na ang officials at coaches) ang darating sa bayang ito na may 150 kilometers ang layo mula sa Manila.
Mangunguna para sa Filipino teeners na kasali dito sina National Masters John Paul Gomez at Oliver Barbosa, 1999 Kiddie titlist Sander Severino at nagtatanggol na national 14-under champion Julio Catalino Sadorra.
Magbibigay ng hamon sa mga Pinoy ang mga manlalaro sina Susanto Megaranto ng Indonesia, Tranh Anh ng Vietnam, Orgit Batsaikhan ng Mongolia at Luke Leong ng Singapore sa kalalakihan at sa kababaihan naman ay si No. 19 world girls under 20 Dinara Tuitbayeva ng Kazakhstan, Le Thant Tu ng Vietnam, Enk Baatar Enkhjargal ng Mongolia at Michelle Seto ng Singapore.
Ilalaban din ng ilang pambato ng rehiyon mula sa NCR, Cagayan De Oro, Davao, Central Luzon, Bicol, Region 14 at Region II ang kanilang mahuhusay na kabataang chessers.