Haharapin ng three-time champion Adamson Falcons ang UST sa dakong alas-11 ng umaga matapos ang engkuwentro ng De La Salle U at ng National University sa dakong alas-8 ng umaga.
At sa huling sultada, magtitipan naman ang Ateneo at ang UP Maroons sa ala-1 ng hapon.
Inaasahan na muling mamamayani ang three-time champion Adamson na binubuo halos lahat ng karamihan ay rookies kung saan wala pa silang talo sa nakalipas na dalawang asignatura at ang kanilang huling tagumpay kontra Green Archers ang magiging sandigan ng Falcons.
Magdadala sa kampanya ng Falcons sina Terrence Vispo, pitcher at Jerricho Martinez, catcher katulong sina Eric Francisco bilang pamalit kay Vispo.