Pinangunahan ni Rainier Sison ang Blue Eagles sa paghakot ng 16-puntos kabilang ang tatlong triples upang ihatid ang koponan sa kanilang ikatlong panalo sa pitong laro.
Ang Teeth Sparklers sa kabilang dako ay lumasap ng kanilang ikatlong pagkatalo sa anim na laro.
Sa katunayan, kontrolado ng Hapee ang laro sa kaagahan ng labanan nang kanilang kunin ang 26-14 kalamangan sa kaagahan ng ikalawang quarter.
Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin sa sumunod na tagpo ng labanan nang mag-init sina Sison at Paul Tanchi na namuno sa 20-2 spurt upang kunin ang 52-38 bentahe mula sa 32-36 pagkakahuli.
Mula rito, hindi na nakaporma pa ang Hapee na nakalapit lamang ng hanggang 7-puntos, 55-62, 1:46 na lamang ang oras sa laro.
Dinomina rin ng Ateneo-Pioneer ang boards, 49-28 na naghatid sa kanila ng 10-puntos sa second chance attempts at nakahita rin ng 22 puntos sa 20 turn-overs ng Teeth Sparklers.