^

PSN Palaro

Milo Marathon 42K finals sisimulan na sa Linggo

-
Pangunahing paborito ang defending champion na si Roy Vence, umaasinta ng kanyang ikaanim na titulo, sa pagtatapos ng Milo Marathon 42K finals na idadaos sa Linggo ng umaga.

Kinumpirma ni Vence, na nanalo lang kamakailan sa Adidas King fo the Road half marathon, ang kanyang partisipasyon nang bigyan siya ng Philippine Navy ng permisong ipagtanggol ang kanyang korona na may premyong P75,000 sa men’s division, ang pinakamalaking premyo sa local running event.

Nasa ika-24th na taon na, ang Adidas-backed Milo Marathon, ay nanawagan sa lahat ng mga nagwaging runners sa regional runs mula sa Metro Manila, Davao, Tacloban, Olongapo, Kalibo, Tuguegarao, Calapan, Naga, Cagayan de Oro, Cebu at Baguio para sa national finals.

Inaasahang magiging mabigat na hadlang kay Vence para sa pangunahing karangalan sina Baguio champion Daud Mama,Dante Rosales at Resituto Canete ng Tacloban old warrior Rey Antoque, Calapan titlist Rogelio Adenig, Cagayan de Oro champion Renillo Sardinao at Rogelio Reli ng Cebu.

At sa panig naman ng kababaihan, hindi pa kumpirmado ang partisipasyon ng defending champion na si Christabel Martes ngunit maghahatawan ng husto sina Hazel Madamba, Davao champion Jucy Madredia, 1998 Milo champion Jona Gayumba-Atienza, Olongapo titlist Ma. Elen Torcelino, ang kambal na sina Annaliza at Luisa Yambao, Palawan pride Enate Sayrol at dating walkathoner Merlinda Manahan. Nakataya naman dito ang halagang P50,000 para sa champion.

ADIDAS KING

CALAPAN

CEBU

CHAMPION

CHRISTABEL MARTES

DANTE ROSALES

DAUD MAMA

DAVAO

ELEN TORCELINO

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with