Lalahok si Aguilar sa pangunahing Asian International division na makakalaban ang pinakamahuhusay na riders mula sa China, Indonesia, Australia, Japan, Korea at host Thailand sa event na sanction ng world governing Federacion International de Motocycliste (FIM).
Ang Nackhonchaisti Circuit ay ang pinaka-technically designed-track sa Asian Supercross Series ngunit kumpiyansa pa rin si Aguilar sa kanyang tsansa.
"First time kong tatakbo sa track na ito pero medyo kabisado ko na rin yung mga kalaban dahil sila rin yung nakaharap ko noon sa Japan," ani Aguilar.