Panalo, pa-birthday ng Welcoat team sa coach

Hinandugan ng Welcoat House Paints ng isang matamis na tagumpay si coach Junel Baculi na nagdiwang ng kanyang ika-38th kaarawan kahapon.

Matapos ang tatlong sunod na kabiguan, naitala naman ng Paint Masters ang ikatlong sunod na panalo kontra sa Blu Detergent, 61-48 kahapon, sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Ren Ren Ritualo ang Welcoat sa paghakot ng 15 puntos katulong sina Rainier Sison, Anton Villoria at Yancy de Ocampo na may tig-12 puntos upang ipalasap sa Detergent Kings ang ikatlong kabi-guan sa limang laro.

Napiling Best Player ng laro si de Ocampo dahil bukod sa kanyang produksiyon ay humakot din ito ng 17 rebounds at may tatlong blocks at 1 assist.

Hindi inalintana ng Paint Masters ang pagkawala ni Jojo Manalo, na nanatiling may sakit, upang iposte ang kani-lang pinakamalaking kalamangan na 17 puntos sa ikaapat na quarter, 61-44.

Sa yugtong ito, nalimitahan ang Detergent Kings sa 9 puntos lamang kumpara sa 15 ng Welcoat, kung saan may tig-6 puntos sina Sison at de Ocampo.

Show comments