50 lalahok sa Asian Under-16 Chess Championship
December 5, 2000 | 12:00am
Pangungunahan nina National juniors champion John Paul Gomez at woman FIDE Master Arianne Caoili ang mga Pinoy na lalaban kontra sa pinakamalalakas na manlalaro sa ibat ibang bahagi ng kontinente sa pagsisimula ng Asian Under-16 chess championships na gaganapin sa Bagac, Bataan sa Disyembre 11 hanggang 22.
Bukod sa mga Pinoy chessers kasali din ang mga magagaling na manlalaro mula sa Indonesia, Kazakhstan, Turkeministan, Vietnam, Mongolia at Singapore para sa 9-round swiss skirmish.
Sina Zander Severino, Julio Sadorra, at National Master Oliver Barbosa ay binigyan ng seedings ng National Chess Federation of the Philippines dahil sa kanilang magandang performance sa ibat ibang kiddies competition.
Ayon kay Grandmaster Eugene Torre, pangulo ng NCFP, layunin ng torneong ito na makapaglinang ng mga kabataan na pang-world championship ang kalibre.
"You can never go wrong with these kind of project that involves the youth." ani Torre.
Kasama sa mga regional qualifiers sa boys category sina Roderick Nava, Dino Ballecer, Vic Neil Villanueva, Von Arbie Barbosa, Christian Arroyo, Lorjon Limbohan, Joel Valdez Jr., Jerommel Gabriel, Mark Anthony Yabut, Onar Bagalacsa at Adrian Orozco.
Sa mga kababaihan naman makikipagsapalaran sina Daniele Day Estrada, Anna Paula Castillo, Joanna Marie Valdez, Anne Sangalang, Loreshyl Cuizon, Rowela Acedo, Shercila Cua, Ma. Zayrah dela Cruz at Jahelle Olos na lalaro sa kanilang kauna-unahang international na torneo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended