Shark vs Montana para sa solo liderato
December 5, 2000 | 12:00am
Magiging mahigpit ang labanan para sa solo liderato.
Dalawang koponan na kapwa malinis ang rekord--ang Shark Energy Drinks at Montana Pawnshop--ay maghaharap para sa pinakahihintay na engkuwentro ngayong eliminations ng 2000 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ang gametime ay sa ganap na alas-5:30 ng hapon.
At para sa isa pang kapana-panabik na bakbakan, magtutuos ang defending champion Welcoat Paints at Blu Detergent sa ganap na alas-3:30 ng hapon.
Nakatuon ang engkuwentro sa frontcourt matchup sa pagitan nina Gilbert Lao at Ricky Calimag ng Jewelers kontra kina 67 Power Boosters Rysal Castro at Irvin Sotto.
At sa backcourt naman matutunghayan ang bakbakan nina Egay Echavez at Michael Robinson ng Shark kontra kina Orly Torrente at Jigger Saniel ng Montana.
Kapwa may maga-galing na back-ups ang dalawa. Para sa Jewelers, sasandalan nila sina Jacquez Gottenbos, Jenkins Mesina, Wowie Ibañez at Ernest Medina habang sa panig naman ng Power Boosters aasa ito kina Jing Rodriguez, Erwin Velez, Ken Gumpenberger at Roger Yap.
Sa Philippine Youth Basketball League, sumandal ang Boysen-MLQU sa 10-3 run sa final 1:46 oras upang ibagsak ang Gringo-Barkadahan 64-55 at makuha ang pangunahing puwesto sa Group A.
Ang tagumpay ay nagdala din sa Skyland Estate-Guagua National Colleges sa Winners circle kasama sa Group B na Mercury Freight-St. Benilde, Mr. Wash-FEU at Maynila at co-group na Crystal Spring-Las Piñas na tinapos ang eliminations sa kanilang 4-1 card.
Sa iba pang laro, iginupo ng Spring Cooking Oil ang Jose Rizal, 91-67.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended