^

PSN Palaro

PBA 25th Anniversary Golf Classic sisimulan na

-
Nakataya ang kabuuang P50,000 cash ngayon sa sinumang manlalaro na makakaiskor ng hole-in-one o kaya’y eagle sa anumang butas sa Palmer course ng Orchard sa gaganaping Philippine Basketball Association 25th Anniversary Golf Classic.

Mahigit sa 30 miyembro ng golfing sports media at ganito ring bilang ang magmumula sa PBA ang maglalaban-laban sa ikalawang pagtatanghal ng nasabing friendly dual meet na dinala sa mas mahirap na 6,341-yard Plamer layout.

Hinirang sina chairman Wilfred Uytengsu ng Alaska ang PSA president na si Lito Tacujan bilang mga kapitan ng PBA at Media, ayon sa pagkakasunod. Ang dalawa ay papalo ng ceremonial drives.

Bahagyang paborito ang Media na maitatala ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa PBA kung saan kanilang napagwagian ang unang pagtatanghal ng tournament na ito noong nakaraang taon sa Club Intramuros.

Ang Ace ay nagkakahalaga ng P25,000 gaya ng eagle at kung sakaling walang mananalo, ang premyo sa golf course ay idagdag para sa gaganaping raffle ceremonies kung saan ang mga manlalaro na nakaiskor lamang ng Systems 36 net ng four-over o kaya ay higit pa ang ubrang mag-qualify.

Nagkumpirma na ng kanilang kumpirmasyon sina Richard Gomez, Martin Nieverra at Gary Valenciano sa event na ito kung saan sila ay lalaro sa PBA team, habang ang Philippine amateur champion na si Tommy Manotoc ang inimbitahan para maging re-inforcement naman ng Media.

ANG ACE

ANNIVERSARY GOLF CLASSIC

CLUB INTRAMUROS

GARY VALENCIANO

LITO TACUJAN

MARTIN NIEVERRA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

RICHARD GOMEZ

TOMMY MANOTOC

WILFRED UYTENGSU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with