Katatagan ng liderato asam ng Shark Energy Drinks
December 2, 2000 | 12:00am
Mahigpit na aasintahin ng Shark Energy Drink na mahagupit ang kanilang ikalimang sunod na panalo upang tuluyan ng masolo ang kapit sa liderato sa kanilang pakikipaglaban kontra sa Osaka Iridology sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2000 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ibabandera ng Power Boosters ang kanilang malinis na 4-0 kartada sa pang-alas-4 ng hapong sultada nila ng Iridologist.
Sa iba pang laro, makabawi mula sa kani-kanilang huling kabiguan ang nais namang isakatuparan ng Ateneo-Pioneer at Ana Freezer sa kanilang pagtitipan bandang alas-2 ng hapon.
Higit na nagpataas ng kumpiyansa ng tropa ni coach Leo Austria ang kanilang itinalang 67-48 panalo kontra Ana Freezers noong Martes na dahilan upang makasosyo nila sa liderato ang Montana.
Bukod dito, naniniwala na rin si Austria na mas higit ng malakas ang kanyang lineup kumpara sa nakaraang kumperensiya, gayunman kailangan pa rin nila ng kaunting pagsisikap upang maigupo ang Osaka iridology.
Sasandalan ni Austria ang karanasan nina Chester Tolomia, Gilbert Malabanan, Roger Yap, Egay Echavez at Michael Robinson upang supilin ang anumang oposisyon ng Iridologists.
Pero siguradong hindi pahuhuli ang Osaka na naghahangad din na makabangon mula sa kanilang kabiguan.
Aasahan ni coach Franz Pumaren ang mga balikat nina Ronald Cuan, Alvin Castro, Adonis Sta. Maria, Bernzon Franco at Magsy Magsumbol para sa panibagong upset na panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended