Mercury Freight nanguna sa 1st Philippine Youth Basketball League
December 1, 2000 | 12:00am
Tinapos ng Mercury Freight-College of St. Benilde ang tatlong sunod na panalo ng Maynila nang kanila itong igupo, 59-56 kahapon sa pagpapatuloy ng eliminations ng 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.
Kumana sina Alexander Magpayo at Mark Magsumbol ng krusiyal na tres sa huling dalawang minuto na naghatid sa Freight Experts sa pamumuno sa Group B sanhi ng kanilang 4-1 card.
Lamang ang Maynila sa 56-51, may 2:19 ang nalalabi sa oras, ngunit nagtala sila ng ilang serye ng mga turnovers na dahilan upang mabokya ang Maynila sa nasabing minuto ng labanan.
Pinangunahan ni Jon Dan Salvador ang pananalasa ng Mercury Freight sa kanilang inilatag na 8-0 salvo upang hatakin ang 53-56 pagkaka-lapit ng iskor sa St. Benilde.
Samantala, itinala naman ng Skyland Estate-Guagua National Colleges ang isang malaking upset nang kanilang yanigin ang Letran, 52-49 para wakasan rin ang kanilang tatlong dikit na panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended