MIT, JRC pumasok din sa win column
November 30, 2000 | 12:00am
Sa wakas nakapasok na rin ang Mapua Institute of Technology at Jose Rizal College sa win column sa kani-kanilang grupo matapos na igupo ang magkahiwalay na kalaban kahapon sa eliminations ng 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.
Sumandig ang Cardinals sa 10-0 fourth quarter blast upang ungusan ang Gringo Barkadahan, 59-52 upang isara ang kanilang kampanya sa elimination na taglay ang 1-4 card.
Pinayukod naman ng Heavy Bombers ang University of Assumption, 75-64 upang iposte ang kanilang unang panalo matapos ang apat na laro.
Pinangunahan nina Mark Anthony Artista at Erwin Sta. Maria ang Mapua sa kanilang paghakot ng tig-13 puntos kung saan dinala nila ang Cardinals sa 55-43 kalamangan mula sa 45-43 pagkakalubog.
Nauna rito, umabante ang Jose Rizal ng 19 puntos sa third quarter, bago nanalasa ang Assumption at nakalapit sa anim na puntos na lamang sa 64-70 may 37 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.
Binanderahan ni Longalong ang Gringo-Barkadahan sa kanyang mababang 10 puntos na produksiyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am