Naligtasan din nina third seed Zbynek Mlynarik ng Austria at fourth pick Mark Hilton ng Great Britain ang kani-kanilang kalaban.
Ginapi ni Mlynarik ang qualifier na si Valentin Sanon ng Ivory Coast, 3-6, 6-2, 6-1 upang itakda ang kanyang pakikipaglaban kontra Jaros-lav Levinsky ng Czech Republic na nagtala ng 4-6, 6-4, 6-3 tagumpay kontra naman sa isa pa ring qualifier na si Lee Radovanivich ng New Zea-land.
Kinailangan ni Hilton na magbaba ng isang rally bago niya tuluyang nasibak ang kababayang si Justin Layne, 6-3, 3-6, 6-2 upang isaayos ang kanyang pakikipagtung-gali kay Lukasz Kubot ng Poland na nakasalba naman sa kalabang si Markus Polessnig ng Austria, 5-7, 6-4, 7-6 (6).
Agad na nabigo ang kam-panya ni Johnny Arcilla, ang isa sa mahusay na pambato ng bansa sa isang linggong tiurnament na ito na may alok na $1,950 sa singles champion sa Australyanong si Ashley Fisher sa iskor na 3-6, 6-7 (4).
Sa iba pang laban, tinalo ng fifth seed na si Donovan September ng South Africa ang kababayang si Andrew Anderson, 6-4, 6-4; nanaig naman ang No. 6 na si Luben Pam-poulov ng Austria kontra sa qualifier na si Tsa Chia-Yen ng Chinese Taipei, 7-6 (6), 6-1.
Ang tanging seeded player na nasibak agad sa tournament na ito na suportado ng ITF Grand Slam Development Fund, Phinma Group of Companies, Wilson ball at ng PSC ay ang No. 7 na si Rick De Voest ng South Africa na natalo sa mga kamay ni Viktor Bruthans ng Slovak Republic, 3-6, 4-6.