14 koponan kalahok sa Coke Go-for Goal

MORONG, Rizal--Aabot sa 14 na koponan ang magpapakita ng aksiyon sa kauna-unahang Rizal provincial eliminations ng Coke Go-for-Goal under 16 football tournament na magsisimula ngayon sa Morong Polytechnic College field dito.

Ang mga maglalaban-laban na koponan para sa titulo ay ang Gatlabayan Elementary School, Faith Christian School, Taytay National High, Binangonan Science High, Angono National High, San Mateo National High, Gen. Lucero Memorial National High, Baras National High, Rizal State College, Jala-Jala National High, Antipolo National High, La Salle Antipolo National High, Angono Annex National High at ang La Mar Academy.

Inimbitahan para dumalo sa opening ceremonies na magsisimula sa alas- 8 ng umaga ay sina Rizal Vice Governor Benjamin Felix, dating Congressman Ding Tanjuatco, Morong Mayor George Bernardo, Tanay Mayor Tom Tanjuatco, Philippine Football Federation President Rene Z. Adad, DECS Superintendent Edith Donlads at PESS Supervisor Agapito Caritativo.

Show comments