San Juan Knights kampeon sa MBA National finals
November 26, 2000 | 12:00am
Tuluyan ng ibinulsa ng San Juan Knights ang 2000 MBA National Finals nang pabagsakin nito ang Negros Slashers, 100-91 at tapusin ang kanilang serye sa 4-2 sa Game 6 ng kanilang best-of- seven titular showdown.
Sa ikalawang pagkakataon, muling nabigo ang Slashers na maibulsa ang mailap na titulo.
Nadama ng Negros ang pagkawala nina Alvin Teng at Reynel Hugnatan at Maui Huelar na pawang may mga sakit sa krusiyal na pangangailangan ng Slashers nang maiwanan sila ng hanggang 12 puntos, 75-87 may limang minuto ang nalalabi sa final period, kasunod ng ipinundar na 10-3 run ng Knights.
Tinangkang maghabol ng Negros na bahagyang nagpakaba sa San Juan nang makadikit ito sa 89-91 may 2:21 pa ang nalalabi sa freethrows ni Romy dela Rosa.
Ngunit hanggang doon na lamang ang nagawa ng Slashersdahil hindi hinayaan ng Knights na makawala pa sa kanilang kamay ang titulo.
Nagtulong sina Chris Calaguio , Bruce Dacia at ang bayani ng laro na si Bonel Balingit upang maisuguro sa kanilang kamay ang korona, at tanghaling ikatlong Northern team na magluklok sa kampeonato matapos na kunin ito ng Pampanga Dragons noong 1998 at Manila Metrostars noong 1999.
Umiskor ng double-double si Balingit sa kanyang nairehistrong 17 puntos at 17 rebounds para pangunahan ang Knights habang nag-ambag naman ng isa pang double-double si Dacia, 14 puntos at 10 rebounds, kasunod ng double-digit performance nina Calaguio 14, Raffi Reavis 14, at Danny Capobres 12 puntos.
Pinangunahan naman ni Dela Rosa ang Slashers sa kanyang kinanang 25 puntos habang nag-dagdag ng 19 puntos na produksiyon si Dennis Madrid.
"Nagpapasalamat ako unang -una sa nasa Itaas, sumunod ang mga fans at supporters ng San Juan," ani coach Philip Cesar.(Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended