Batang Red Bull semifinalist na
November 25, 2000 | 12:00am
Inokupahan ng Batang Red Bull ang isang semifinals slot nang kanilang patalsikin ang Sta. Lucia Realty sa pamamagitan ng 91-87 panalo sa pagpapatuloy ng quarterfinal phase ng PBA Governors Cup sa PhilSports Arena kagabi.
Hihintayin na lamang ng Red Bull ang kanilang makakalaban sa pagitan ng Tanduay Gold Rhum at San Miguel Beer, na kasalukuyang naglala-ban habang sinusulat ang balitang ito, para sa best-of-five semis series.
Bagamat naglaho ang naipundar na 15-puntos na kalamangan ng Red Bul sa ikatlong quarter, naging matatag sa huling maiinit na sandali ng labanan ang Thunders upang maipreserba ang tagumpay.
Matapos iposte ng Realtors ang 81-78 bentahe, sa final canto, nagtulong-tulong sina Ato Agustin, Mike Pennisi at import Ray Tutt sa 13-6 run upang iselyo ang kanilang tagumpay.
Matapos umabante ng Realtors sa 87-85 makaraang ang basket ni Isaac Fontaine, 1:09 na lamang ang oras sa laro, umiskor ng tres si Pennisi upang agawin ang kalamangan sa 88-87, may 15 segundo na lamang sa laro.
Kasunod nito, isang 24 seconds violation ang nakamit ng Realtors nang pagtulungang depensahan nina Davonn Harp at Tutt si Fontaine para sa turnover ng Realtors bago muling umiskor ng dala-wang sunod na puntos ang Red Bull mula sa foul ni Mike Orquillas.
Sa pagsisikap ng Sta. Lucia na maisalba ang tagumpay, nasupalpal naman ni Pennisi si Fontaine na siyang tuluyang nagkaloob sa Thunders ng panalo.
Kumana ang Red Bull sa three point area sa first half sa pangunguna ni import Ray Tutt na may tatlong tres sa 7-of-12 field goal upang taglayin ng Thunders ang 50-38 kalamangan sa halftime.
Humakot din ng 12-puntos ang Red Bull sa 2nd chance points kum-para sa 6-puntos lamang ng Sta. Lucia na may 13 turnovers kung saan, nakakuha ang Thunders ng 11-puntos sa unang dalawang periods. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended