Sina Peñalosa at Vorapin ay ma-raming bagay na magkapareho--mula sa kanilang training-regimen, istilo ng pag-atake ng kanilang mapanganib na right hook, left-straight combinations. Hindi na dapat pang banggitin ang kani-kanilang knockout na panalo at higit sa lahat ang matindi nilang pagnanasa na manalo ng world crown.
"This should be one great fight because as far as their boxing styles are concerned, they made for each other," ani PBA executive director Sonny Barrios.
"Vorapin is a mirrored image of Peña-losa. They really have the same boxing styles. Therefore, I really don’t expect the fight to last 12 rounds. One of them has to go," ani Vorapin’s manager na isang Hawaii-based Filipino na si Leon Panoncillo." And there’s going to be no excuses after this fight."
Aakyat sa ibabaw ng lona ang 24-anyos na si Vorapin na dala ang kanyang maningning na 12-0 record kontra sa Filipino fighters at sa pangkalahatan, hawak ni Vorapin ang 38 panalo at apat na talo na may 27 knockouts.
Sa kabila nito, si Peñalosa ay nag-iingat naman ng 41 wins, tatlong talo at dalawang draws na may 26KOs.
Sigurado na si Vorapin na mag-uuwi ng $5,000 sa labang ito at ang 28-gulang na si Peñalosa ay kikita naman ng P1.2 million para sa kanyang kauna-unahang pagdepensa ng titulo.