Haharapin ng 24-anyos na si Ortuno, tubong Barcelona na kasalukuyang No. 297 sa daigdig ang second seed na si Chae Kyung-Yee ng Korea.
Tinalo ng worlds No. 302 na si Yee ang fourth seed na si Jayaram-Sai Jayalakshmy ng India, 1-4, 4-1, 4-1, 5-4 (6) sa isa pang semis match.
Tatanggap ang singles champion ng $1,600 cash at limang WTA (Womens Tennis Association) points.
Bumangon si Saeki, nakarating sa third round ng 1997 French Open at ranked No. 54 sa daigdig noong 1998 bago siya na-sideline sa loob ng isang taon sanhi ng kanyang injury sa bukung-bukong sa second set upang kunin ang 2-0 kalamangan.
Ngunit naglabas si Ortuno ng mahuhusay na baseline game upang tapusin ang laban sa loob lamang ng 25 minutos.
Muling sinikap ni Saeki na umahon mula sa 0-3 deficit at ipuwersa ang tiebreak. Nagawa niyang makipag-sabayan sa 5-6, subalit hindi niya nagawang ipanalo ang sumunod na tatlong games at muling isinara ni Ortuno ang laban sa loob ng isang oras at 52 minutos.
Tinabunan naman ni Saeki ang kanyang kahinaan sa singles match nang makipagtambal ito sa kababayang si Remi Uda at igupo ang pareha nina Prariyawan Ratanakrongn ng Thailand at Romana Tedjakusuma, 5-4 (11), 5-4 (3), 4-0, upang umusad naman sa final ng isang linggong event na ito na hatid ng ITF Grand Slam Development Fund.
Bunga nito, haharapin nina Saeki at Uda ang mananalo sa pagitan nina Indian pair Rushmi Chakravarthu at Jayalakshmy at third seeds Shruti Dhawan ng India at Andrea Van Den Hurk ng Netherlands na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang artikulong ito.