Thai boxer pinag-aralan na ang estilo ni Peñalosa
November 24, 2000 | 12:00am
Isang malaking problema ang kakaharapin ni World Boxing Council (WBC) International superflyweight champion Gerry Peñalosa sa kanyang nakatakdang pakikipaglaban kontra challenger Ratanachai Sor Vorapin ng Thailand sa kanilang nakatakdang 12-round title bout bukas ng gabi sa Casino Filipino sa Parañaque.
Dahil ayon sa business manager ni Vorapin na si Leon Panoncillo, ang Asia-Pacific consultant ng Don King Productions na maingat na napag-aralan ng Thai ang mga estilo ni Peñalosa sa tapes sa kanyang limang nakaraang laban at ito ay kumpiyansa na makakaiskor siya ng knockout sa loob lamang ng limang rounds.
"Vorapin knows what to do to beat Peñalosa," ani Panoncillo. " I feel bad for Peñalosa but this is business, nothing personal. I was born in Hawaii but my mother is from Cebu and my father is from Mindanao so my roots are Filipino. Im afraid that Vorapin is ready to take Peñalosas title."
Sinabi ni Panoncillo na si Vorapin ay nag-training sa kampo ni King sa Honolulu nang dumating ang alok na harapin si Peñalosa. Ang mga naging sparring mates ni Vorapin ay kinabibilangan ng mga Filipinos na sina Andy Tabanas at Jesus Salud na kapwa nakabase sa Hawaii. Sina Vorapin at Tabanas ay nagharap sa isang exhibition sa Honolulu noong nakaraang Linggo.
At noong nakaraang Martes, si Vorapin ay nakipag-sparr sa kanyang kapatid na si Kaichai sa Bebot Elordes gym sa Sucat at nagpakawala ito ng ilang solidong right straight.
Ang mga kamao ni Vorapin ay lubhang mapanganib dahil noong nakaraang Enero bahagya na niyang mapatay si Fernando Ibarra Maldonado ng Piedras Negras, Mexico sa isang 8-round bout sa Regal Riverfront Hotel sa St. Louis, Missouri.
Ang 24-anyos na si Ibarra ay bumagsak sa second round matapos na tamaan ng left straight, bago muling binigyan ng isang kanan sa baba sa ikaanim na round na dahilan upang tuluyan na itong bumagsak sa canvass at ang laro ay itinigil kung saan si Ibarra ay dinala sa ospital at na-coma at hanggang nga-yon ay paralisado ang katawan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am